Powered By

Free XML Skins for Blogger

Powered by Blogger

Sunday, September 28, 2008

Himala

Kahit sa kalagitnaan ng maraming problema sa buhay eto pa rin ako at naghanap ng oras para masulat lang ‘to… kahit noon pa man gusto ko na talaga gumawa ng blog. Kaya sana magustuhan niyo ang una kong entry. Kung kayo’y nag-iisip kung bakit HIMALA ang pamagat nito, dapat siguro basahin niyo na lang ang kabuuan nito…

At eto na… Ewan ko ba at nagising na lang ako na nagtatanong kung bakit ganito ang buhay? Kayo na experience niyo na rin ba? Sabi ko kay Lord, “pwede mo na akong kunin.” Pero bigla kong naalala na hindi pa tapos ang misyon ko sa buhay… Pero tanong ko sa kanya, “Lord, ano ba ang misyon ko dito sa mundo?” hahahah… nakakatawa pero sinabi ko talaga yon. Naalala ko nga ang pelikulang Bruce Almighty… Siguro sa sobrang dami ng taong may TOPAK sa mundo naiinis na rin si Lord kung minsan… hehehe…

Sa totoo lang boring talaga ang buhay para sa akin, kaya naman naghahanap ako ng pwede kong mapaglibangan… at siguro sa hindi man direktang pagsabi sa akin ni Lord na may misyon na ako sa buhay (baka ako lang ang nagsabi na eto misyon ko) kaya eto ako, gustong ipagpatuloy ang pagsusulat, kung kaya, sana kahit konti lang, may aral naman kayong matutunan sa buhay ko.

0 Hibubun-ot: