Powered By

Free XML Skins for Blogger

Powered by Blogger

Sunday, September 28, 2008

Topak lang 'to!

Ang naniniwala sa sabi-sabi, walang bait sa sarili…

Ulan sa gitna ng Init
Naranasan niyo na ba na habang naglalakad kayo sa gitna ng matinding init at napakataas na sikat ng araw ay bigla na lang bumuhos ang napakalakas na ulan? Oo! Ulan, kulog, kidlat kahit sa matinding sikat ng araw. Di ba nakak-Biscuit yon? Hehehe!

Pero alam niyo ba ang mga kwento tungkol sa ulan sa gitna ng init? Hindi ko kelangan ang scientific explanation… hahaha! Sabi kasi ng lola ko, kapag daw umuulan sa gitna ng matinding sikat ng araw, eh meron daw kasalang nagaganap. Kasalan ng mga ITA sa bundok, sosyal na sila pag di sa bundok (di na promdi)...

San nga ba nanggaling ang kwentong ‘to? Eto pa, meron din daw nagpapakasal na Leon at Tigre? O baka naman may malalim na ibig sabihin ang sinasabing pagpapakasal ng Leon at Tigre? Teka, para akong tanga nito at naniwala naman na ang dalawang hayop ay ikakasal!

Pero eto ang naiisip ko kung saka-sakaling totoo nga, what if sa kalagitnaan ng kasal eh tumigil ang malakas na ulan? Ititigil din ba ang kasal?

Saludo
Hindi ko talaga ma kuha ang logic na kapag merong dumaan na Volkswagen kelangang mag salute! Pag hindi mo na gawa at nakita ka ng kasama mo, eh bigla ka na lang babatukan? Bakit? Hari ba ang sasakyang pagong na yan? Kayo, alam niyo ba? Sino kasi ang nag imbento ng sasakyang yan na kelangan pang sumaludo. Pero sa totoo lang ginagawa ko rin ‘to sa mga pinsan at pamangkin ko.hahaha! Wala talaga akong bait sa sarili!

Tukô
At eto pa… ang tukô, na kapag dumikit daw sa tao eh kelangan tumawag ng isang ITA (na naman) at tumuwad ito. Anong konek? Naiisip ko nga na baka Anito ang turing nila sa mga malaking butiki na ito… kaya kelangan nilang tumuwad kasi siguro yon ang paraan ng pag worship nila. Or baka kasi Anito din ang turing ng tukô sa ITA, kaya kapag tumuwad na ito, kusa na lang itong aalis. Hehehe…
Sa dami naman ng posisyon ba't tuwad pa? Pwede din namang tumihaya, lumuhod, umupo, tumayo, dumapa at kung ano pa... kayo talaga ang dumi ng isip n'yo!

Kayo? Naniniwala ba sa pinagsasabi ko?

No comments: