Powered By

Free XML Skins for Blogger

Powered by Blogger

Sunday, September 28, 2008

Ang Langaw ng Kalabaw

Hindi ko alam kung papaano ko sisimulan ang aking entry ngayon. Parang ang daming ideas na pumapasok sa aking isipan na gusto kong isulat, pero pag nagsimula na ako, biglang nawawala. Weird! Pero ewan ko. Siguro dahil magulo lang talaga ang pag-iisip ko.

Sa totoo lang, meron akong kelangang gawin na mas importante kesa sa pagsusulat nito. Kelangan kong mag-aral ng leksyon ko dahil kukuha ako ng re-take exam sa isang subject ko. Take note, re-take eto pero hindi sa dahil bagsak ako sa last exam, kundi re-take dahil sa KABULASTUGAN na ginawa ko. At talagang sinadya ko. Alam kong kayang-kaya ko ang exam na yon. Pero dahil sa sobrang pagka-asar ko sa nagbabantay sa amin, eh kinuha ko ang celfon ko at nagtxt. Kaya ayon, ang napala ko, sinumbong ako sa professor. hahaha... Pero ok lang yon, hanggang kasi ngayon, di pa rin ako naka pag decide if enroll ulit ako next sem.

Kasi naman, krimen talaga sa isang law stude ang magCHEAT. Bahala sila, basta ako, nagtxt lang ako that time. Sarap kasing asarin yong mga langaw na pumatong lang sa kalabaw. Akala mo naman eh mas makapangyarihan pa sila sa amo nila! Kakainis talaga, sarap mang-asar.

Alam niyo ba na after a week ng insidente, ang daming memo na pinaskil sa bulletin board ng skul na nagbabawal sa napakaraming bagay (bawal na din dalhin ang celfon during exams... hahaha!). Kakainis! Ang daming memo at mga batas na kelangan sundin, pero sila di magawang, magpagawa ng official receipt o resibo na dumaan sa BIR o aprubado man lang. Kaya tuloy naisip ko, bakit ko kelangan sumunod sa mga batas nila, eh sila nga di marunong sumunod sa BATAS na tinuturo nila. hahaha! Bato-bato sa langit pag may tinamaan nagrereact! Ouch!

Noong bata pa ako (pero bata pa naman ako, batang isip) pinangarap ko rin naman ang maging attorney, pero nung unti-unti na akong nagkaisip, nawalan na ako ng interes na kumuha ng titolong EY-TI-TI-WHY? Eh, wala lang talaga akong magawa at kelangan kong pasukin ang mundong ito dahil ito ang gusto ng parents ko. Simple lang naman ang pangarap ko sa buhay, ang maging isang PHOTOGRAPHER kaya lang, ayaw ng Nanay at Tatay ko eh. Kaya nga sabi ko sa sarili ko, magiging writer na lang ako instead of photographer. hehehe.

Sa mga readers (yan ay kung merong nagbabasa) sana kahit para sa iba walang kwenta 'tong mga entries ko , sana may matutunan din kayong aral... Base lahat ito sa totoong pangyayari... hindi ito kathang isip lang.

No comments: