Isang madilim na nakaraan ang nasaksihan ni Kenkoy ng siya’y mapadpad sa isang Isla.
Nasaksihan ni Kenkoy kung paano nagdurusa ang mga nagkasala sa tribu dahil sa parusa na pinapataw dito.
Sa hindi inaasahang pangyayari, may tatlong magkaibigan na nahuli sa pagnanakaw… kung kaya eto ang kanilang naging parusa…
Hari: Dahil kayong tatlo ay nagkasala ng pagnanakaw, ang bawat isa sa inyo ay pipili ng isang kulay na makikita sa mesa, ang bawat kulay ay may katumbas na parusa. Pero inyong tandaan, sa bawat parusa, bawal ang umiyak, ngumiti, tumawa, sumigaw at sumimangot, kung hindi, PATAY!
Juan: Yung pula ang sa akin.
Pedro: Akin naman yung berde.
Jaime: Wala na akong choice kundi ang orange.
Hari: Jaime, ikaw ang mauna… mga kawal, kunin ang sampung prutas ng orange at ipasok sa pwet ni Jaime.
Hindi umiimik si Jaime kahit limang orange na ang naipasok sa pwet niya. Kitang-kita ni Kenkoy ang malalaking butil ng pawis sa noo ni Jaime. Awang-awa man si Kenkoy, wala din siyang magagawa.
Ngunit sa ika-pitong dalandan na ipinasok, di na nakayanan ni Jaime at sumigaw na ito dahil sa sobrang sakit, kaya PATAY!
Hari: Nakita niyo naman siguro ang nangyari kay Jaime… Ikaw Juan ang susunod! Mga kawal kunin ang limang prutas ng marcopa. Juan maghanda ka na!
Hindi pa man nagagawa ang parusa kay Juan, naisip ni Pedro na maswerte talaga siya. Biruin ba naman sampu tapos lima na lang… kung kaya pumasok sa kanyang isipan na baka wala na siyang parusa.
Hari: Juan! Tanggalin na ang iyong saplot!
Sa sobrang pagpapakatatag ni Juan, hindi ito nakitaan ng takot sa kanyang mukha. Isang prutas na lang ang ipapasok, nang biglang humalakhak si Juan.
Hari: Patayin si Juan!
At namatay nga si Juan… nagkita sina Juan at Jaime sa kabilang buhay…
Jaime: Juan, buhay ka pa sana… Ba’t ka kasi tumawa?
Juan: Eh paanong hindi ako tatawa, eh nahihirapan nga ako sa marcopa, ano pa kaya ang tatlong durian! Harharhar!
Moral Lesson: Always think NEGATIVE… mabuti na yong hindi umasa kesa naman, POSITIVE iniisip mo pero hindi naman pala… buti nang alam mong mamatay ka at least napaghandaan mo.
Monday, September 29, 2008
Sunday, September 28, 2008
Hamon ng Buhay
Mula pagkabata ko namulat na ako sa gobyernong walang alam kundi ang pansariling interes ng mga naka-upo sa pwesto. Kung kaya naisip ko rin na maging isang pulitiko sa aming lugar o kahit sa skwelahan man lang. Iba pa la pag nasa pwesto ka, pwedeng umabuso at pwede ring tumulong. Lahat ng pulitiko o kandidato man lang sa nagdaan at paparating eleksyon eh nangangako at mangangako na pag sila’y nanalo tutulong para sa kaunlaran ng Bayan. “Ebak niyo!” Palagi niyo na lang niloloko ang sambayanang Noypi… at yon nga, at nagpapaloko din… hehehe... wala na tayong magagawa.
Noong tumakbo ako bilang SK Kagawad sa aming Baranggay, di man lang ako nangako ng kahit na ano at kahit nangampanya di rin… eh biro niyo naman, ang botante ng Baranggay namin para sa SK eh di man lang umabot ng singkwenta. At yon! Tumpak… Nanalo ako! Hahaha.. Siyempre walang kalaban. Sa totoo lang, sa anim na taon kong pag-upo sa pwesto eh kahit piso man lang wala akong nakuha. Pangalan lang talaga na nakapaskil sa pader sa kalye… Nakakainis nga kasi kung ako sana ang SK Chairman, baka may “kick back” pa ako.
Sabi ko nga noong 2007 Barangay Elections, sana tumakbo na lang ako bilang KUPITAN este Kapitan ng aming Baranggay. Siguro kahit may kupit ako sa kaban, mas magiging maunlad ang aming pamayanan. Isipin niyo ba naman, eh ang umuupong Hepe ng Baranggay ngayon eh walang alam kung papaano mamahala. Ang alam niya lang eh ang magpalinis at magtanim sa bawat kanto ng kalye. Oo nga pala, ang magtanim ay di biro kung maghapon naka-yuko, lalo na kung malaki ang tiyan. Harharhar! Marami pa naman akong pangarap sa aming komunidad, pero, wag mo ng itanong pa sa 'kin, di ko rin naman sasabihin, eh pano mukhang joke lang.
Pero yon nga lang, di ako pinayagan ni Lord, napadpad ako sa isang mas malaking hamon ng buhay. At mukhang sa hamon na iyon, kaya hanggang ngayon hamon na di pa rin nakakain… Napaglipasan na ng panahon, malapit na ulit ang pasko, at HAMON pa din…

Topak lang 'to!
Ang naniniwala sa sabi-sabi, walang bait sa sarili…
Ulan sa gitna ng Init
Naranasan niyo na ba na habang naglalakad kayo sa gitna ng matinding init at napakataas na sikat ng araw ay bigla na lang bumuhos ang napakalakas na ulan? Oo! Ulan, kulog, kidlat kahit sa matinding sikat ng araw. Di ba nakak-Biscuit yon? Hehehe!
Pero alam niyo ba ang mga kwento tungkol sa ulan sa gitna ng init? Hindi ko kelangan ang scientific explanation… hahaha! Sabi kasi ng lola ko, kapag daw umuulan sa gitna ng matinding sikat ng araw, eh meron daw kasalang nagaganap. Kasalan ng mga ITA sa bundok, sosyal na sila pag di sa bundok (di na promdi)...
San nga ba nanggaling ang kwentong ‘to? Eto pa, meron din daw nagpapakasal na Leon at Tigre? O baka naman may malalim na ibig sabihin ang sinasabing pagpapakasal ng Leon at Tigre? Teka, para akong tanga nito at naniwala naman na ang dalawang hayop ay ikakasal!
Pero eto ang naiisip ko kung saka-sakaling totoo nga, what if sa kalagitnaan ng kasal eh tumigil ang malakas na ulan? Ititigil din ba ang kasal?
Saludo
Hindi ko talaga ma kuha ang logic na kapag merong dumaan na Volkswagen kelangang mag salute! Pag hindi mo na gawa at nakita ka ng kasama mo, eh bigla ka na lang babatukan? Bakit? Hari ba ang sasakyang pagong na yan? Kayo, alam niyo ba? Sino kasi ang nag imbento ng sasakyang yan na kelangan pang sumaludo. Pero sa totoo lang ginagawa ko rin ‘to sa mga pinsan at pamangkin ko.hahaha! Wala talaga akong bait sa sarili!
Tukô
At eto pa… ang tukô, na kapag dumikit daw sa tao eh kelangan tumawag ng isang ITA (na naman) at tumuwad ito. Anong konek? Naiisip ko nga na baka Anito ang turing nila sa mga malaking butiki na ito… kaya kelangan nilang tumuwad kasi siguro yon ang
paraan ng pag worship nila. Or baka kasi Anito din ang turing ng tukô sa ITA, kaya kapag tumuwad na ito, kusa na lang itong aalis. Hehehe…

paraan ng pag worship nila. Or baka kasi Anito din ang turing ng tukô sa ITA, kaya kapag tumuwad na ito, kusa na lang itong aalis. Hehehe…Sa dami naman ng posisyon ba't tuwad pa? Pwede din namang tumihaya, lumuhod, umupo, tumayo, dumapa at kung ano pa... kayo talaga ang dumi ng isip n'yo!
Kayo? Naniniwala ba sa pinagsasabi ko?
Ang Langaw ng Kalabaw
Hindi ko alam kung papaano ko sisimulan ang aking entry ngayon. Parang ang daming ideas na pumapasok sa aking isipan na gusto kong isulat, pero pag nagsimula na ako, biglang nawawala. Weird! Pero ewan ko. Siguro dahil magulo lang talaga ang pag-iisip ko.
Sa totoo lang, meron akong kelangang gawin na mas importante kesa sa pagsusulat nito. Kelangan kong mag-aral ng leksyon ko dahil kukuha ako ng re-take exam sa isang subject ko. Take note, re-take eto pero hindi sa dahil bagsak ako sa last exam, kundi re-take dahil sa KABULASTUGAN na ginawa ko. At talagang sinadya ko. Alam kong kayang-kaya ko ang exam na yon. Pero dahil sa sobrang pagka-asar ko sa nagbabantay sa amin, eh kinuha ko ang celfon ko at nagtxt. Kaya ayon, ang napala ko, sinumbong ako sa professor. hahaha... Pero ok lang yon, hanggang kasi ngayon, di pa rin ako naka pag decide if enroll ulit ako next sem.
Kasi naman, krimen talaga sa isang law stude ang magCHEAT. Bahala sila, basta ako, nagtxt lang ako that time. Sarap kasing asarin yong mga langaw na pumatong lang sa kalabaw. Akala mo naman eh mas makapangyarihan pa sila sa amo nila! Kakainis talaga, sarap mang-asar.
Alam niyo ba na after a week ng insidente, ang daming memo na pinaskil sa bulletin board ng skul na nagbabawal sa napakaraming bagay (bawal na din dalhin ang celfon during exams... hahaha!). Kakainis! Ang daming memo at mga batas na kelangan sundin, pero sila di magawang, magpagawa ng official receipt o resibo na dumaan sa BIR o aprubado man lang. Kaya tuloy naisip ko, bakit ko kelangan sumunod sa mga batas nila, eh sila nga di marunong sumunod sa BATAS na tinuturo nila. hahaha! Bato-bato sa langit pag may tinamaan nagrereact! Ouch!
Noong bata pa ako (pero bata pa naman ako, batang isip) pinangarap ko rin naman ang maging attorney, pero nung unti-unti na akong nagkaisip, nawalan na ako ng interes na kumuha ng titolong EY-TI-TI-WHY? Eh, wala lang talaga akong magawa at kelangan kong pasukin ang mundong ito dahil ito ang gusto ng parents ko. Simple lang naman ang pangarap ko sa buhay, ang maging isang PHOTOGRAPHER kaya lang, ayaw ng Nanay at Tatay ko eh. Kaya nga sabi ko sa sarili ko, magiging writer na lang ako instead of photographer. hehehe.
Sa mga readers (yan ay kung merong nagbabasa) sana kahit para sa iba walang kwenta 'tong mga entries ko , sana may matutunan din kayong aral... Base lahat ito sa totoong pangyayari... hindi ito kathang isip lang.

Himala
Kahit sa kalagitnaan ng maraming problema sa buhay eto pa rin ako at naghanap ng oras para masulat lang ‘to… kahit noon pa man gusto ko na talaga gumawa ng blog. Kaya sana magustuhan niyo ang una kong entry. Kung kayo’y nag-iisip kung bakit HIMALA ang pamagat nito, dapat siguro basahin niyo na lang ang kabuuan nito…At eto na… Ewan ko ba at nagising na lang ako na nagtatanong kung bakit ganito ang buhay? Kayo na experience niyo na rin ba? Sabi ko kay Lord, “pwede mo na akong kunin.” Pero bigla kong naalala na hindi pa tapos ang misyon ko sa buhay… Pero tanong ko sa kanya, “Lord, ano ba ang misyon ko dito sa mundo?” hahahah… nakakatawa pero sinabi ko talaga yon. Naalala ko nga ang pelikulang Bruce Almighty… Siguro sa sobrang dami ng taong may TOPAK sa mundo naiinis na rin si Lord kung minsan… hehehe…
Sa totoo lang boring talaga ang buhay para sa akin, kaya naman naghahanap ako ng pwede kong mapaglibangan… at siguro sa hindi man direktang pagsabi sa akin ni Lord na may misyon na ako sa buhay (baka ako lang ang nagsabi na eto misyon ko) kaya eto ako, gustong ipagpatuloy ang pagsusulat, kung kaya, sana kahit konti lang, may aral naman kayong matutunan sa buhay ko.
Subscribe to:
Posts (Atom)