Mula pagkabata ko namulat na ako sa gobyernong walang alam kundi ang pansariling interes ng mga naka-upo sa pwesto. Kung kaya naisip ko rin na maging isang pulitiko sa aming lugar o kahit sa skwelahan man lang. Iba pa la pag nasa pwesto ka, pwedeng umabuso at pwede ring tumulong. Lahat ng pulitiko o kandidato man lang sa nagdaan at paparating eleksyon eh nangangako at mangangako na pag sila’y nanalo tutulong para sa kaunlaran ng Bayan. “Ebak niyo!” Palagi niyo na lang niloloko ang sambayanang Noypi… at yon nga, at nagpapaloko din… hehehe... wala na tayong magagawa.
Noong tumakbo ako bilang SK Kagawad sa aming Baranggay, di man lang ako nangako ng kahit na ano at kahit nangampanya di rin… eh biro niyo naman, ang botante ng Baranggay namin para sa SK eh di man lang umabot ng singkwenta. At yon! Tumpak… Nanalo ako! Hahaha.. Siyempre walang kalaban. Sa totoo lang, sa anim na taon kong pag-upo sa pwesto eh kahit piso man lang wala akong nakuha. Pangalan lang talaga na nakapaskil sa pader sa kalye… Nakakainis nga kasi kung ako sana ang SK Chairman, baka may “kick back” pa ako.
Sabi ko nga noong 2007 Barangay Elections, sana tumakbo na lang ako bilang KUPITAN este Kapitan ng aming Baranggay. Siguro kahit may kupit ako sa kaban, mas magiging maunlad ang aming pamayanan. Isipin niyo ba naman, eh ang umuupong Hepe ng Baranggay ngayon eh walang alam kung papaano mamahala. Ang alam niya lang eh ang magpalinis at magtanim sa bawat kanto ng kalye. Oo nga pala, ang magtanim ay di biro kung maghapon naka-yuko, lalo na kung malaki ang tiyan. Harharhar! Marami pa naman akong pangarap sa aming komunidad, pero, wag mo ng itanong pa sa 'kin, di ko rin naman sasabihin, eh pano mukhang joke lang.
Pero yon nga lang, di ako pinayagan ni Lord, napadpad ako sa isang mas malaking hamon ng buhay. At mukhang sa hamon na iyon, kaya hanggang ngayon hamon na di pa rin nakakain… Napaglipasan na ng panahon, malapit na ulit ang pasko, at HAMON pa din…

No comments:
Post a Comment